Home for the Golden Gays

Binisita ng LPU-Laguna Dangal, kasama si Coach Jabs (Adviser of LPU-Laguna Dangal) at Ms. Jisella (Director of ISRO), ang Golden Gays upang magpabatid suporta at magbigay saya sa ating mga kapwa LGBTQIA+ na isa sa nagtaguyod ng ating komunidad.

Sila ay hindi lamang nagpakita ng tapang, kundi naging 𝐁𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐠𝐡𝐚𝐫𝐢 na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay. Ang Golden Gays ay patunay na ‘𝘣𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘯’𝘵 𝘢 𝘱𝘩𝘢𝘴𝘦’ — mula sa panahong sarado ang isip ng lipunan hanggang sa unti-unting pagtanggap nito, sila ay nanatili. Lubos na nagpapasalamat at nagbibigay-galang ang LPU-Laguna Dangal sa inyo, tunay kayong inspirasyon sa ating komunidad upang makabuo ng mas 𝐈𝐧𝐤𝐥𝐮𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧.